Sunday, February 24, 2013

Sa Ugoy ng Duyan


At dahil gabi na dito sa Pilipinas, naisipan ko lamang i-share sa inyo itong himig na ito.
Nawa'y makatulog kayo ng mahimbing. :)







Nemiranda

Nemiranda!

Ito si Nemi R. Miranda, Jr.


Ipinanganak siya noong Pebrero 14, 1949 sa Angono, Rizal. Gumradweyt siya sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Bachelor of Arts. Siya ang nagpakilala ng "Imaginative Figurism" na siyang pagdodrowing gamit ang sariling imahinasyon bilang batayan ng idodrowing. Marahil mapagtatanto mo na marunong siyang magpinta, dahil sa background ng larawan, hindi ba? Hindi lang iyon. Marunong din siyang gumawa ng iskultura. 


Biyaya ng Dagat


Golden Harvest


Ang Nemiranda nga pala ay ang kanyang Art Gallery na siyang tahanan ng kanyang mga obra sa Angono, Rizal.




Sirena, ulit. :P

Alam mo ba ang kantang "Sirena" ni Gloc 9 at ni Ebe Dancel? 

Siguro naman alam mo, hindi ba? Heto nga pala ang video ng kantang nabanggit. Hindi man ito gaanong tumatalakay sa Angono, ay naisipan ko lang maglagay ng kaunting musika sa blog na ito. :) 


Magandang Morning/Evening, mga minamahal naming mambabasa! :D

Nagbabalik nanaman ako. 

Naisip ko lamang. Sa lahat ng bansang sa Pilipinas, hinding-hindi talaga nawawala ang mga kwento-kwento, hindi ba?

Heto nga pala ang mga sirena ng mga Angono. At ito rin ang nakamamangha ngunit nakakataas-balahibong kwento ng mga ito. 

Ayon sa mga kwentong-bayan, sa gitna ng lawa sa Angono nakatira ang mga sirena. Mayroon silang palasyo na siyang gawa sa makikinang na perlas at mamahaling bato. Kapag may nawawalang mga batang lumangoy sa lawa, madalas sabihin ng mga matatanda na kinuha sila ng mga sirena. 

Nagsimula ang kwento nang may dumating na estranghero sa bayan ng Angono. Makalipas lamang ang ilang araw, lumakad ang estrangherong ito papunta sa lawa at bigla na lamang nawala. Hinanap daw siya ng taum-bayan ngunit sila ay nabigo. 

Matapos ang ilang araw, bigla na lamang sumulpot ang estranghero at ikinuwento ang kanyang karanasan na kung saan siya ay pumunta sa isang mahiwagang kuweba na siyang kinalalagyan ng palasyo ng mga sirena. Lahat daw ng nawawalang bata ng Angono ay nandoon, malulusog at masasaya, dahil inaalagaan daw ang mga ito ng Reyna ng mga Sirena.

Bago umalis ng Angono ang estranghero, sinabi niya sa mga magulang ng mga bata na isang 't araw makikita din nila ang lahat ng nawawalang bata basta't aalagaan nila ito ng mabuti, matapos silang ibalik ng Reyna ng mga Sirena. 

Matapos siyang umalis, may dumating na misyonaryo. Namili siya ng lugar na siyang pagtatayuan ng kapilya. Nangyari lamang na ang siyang pinagpilian ng pagtatayuan ng kapilya ay mayroon daan patungo sa isang pinto sa mahiwagang palasyo ng mga sirena. Matapos ang misa, isa-isang bumalik ang mga bata, ngunit tuwing gabi lamang. Isa-isang ibinalik ng reyna ng mga sirena ang mga batang ito.

Dahil nakita naman niyang inalagaan na ng mga magulang nito ang mga bata, biniyayaan niya ng masaganang suplay ng isda ang lawa. Unti-unting umunlad ang bayan sa tulong ng sirenang ito.

Bilang pasasalamat ng mga taum-bayan ay nag-piyesta sila bilang pagkilala sa kabaitan ng sirena.

Napakahiwaga hindi ba? Mga kwento nga naman. 



Credits for the story to: http://traveleronfoot.wordpress.com/2008/04/18/the-mermaid-queen-of-angono/

Thursday, February 21, 2013

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw...

Hay, oo buhay nga naman.

Naaalala mo pa ba ang masasayang araw mo noon sa piling ng iyong minamahal na ina? Sino ba naman ang hindi, diba? Heto't kilalanin natin ang isa sa mga maituturing na musikero ng Angono, Rizal - si Lucio D. San Pedro. Marami sa ating mga Pilipino ang nakakakilala sa kanya. Pero kung minalas-malas ka't hindi mo kilala si Ginoong San Pedro, ay madali lang ang sagot sa iyong napakalaking problema. 

Pakinggan mo lamang ang natatanging himig ng "Ugoy ng Duyan". Hindi ba't ipinapaalala nito sayo ang sarap ng pagmamahal ng isang ina? 

Ayan, mga mambabasa ko. Ipinakikilala ko si Lucio D. San Pedro!